50 pilgrims nadenggoy ng travel agency

NADENGGOY ng isang travel agency ang 50 pilgrims kabilang ang mga Cebuano at mga dayuhan sa Australia.

Dahil dito muntik na silang hindi makapunta sa Vatican upang saksihan ang ang canonization ni Blessed Pedro Calungsod.

Ayon sa secretariat ng Calungsod Committee sa Cebu na si Margarita Maria Matheu, isa sa mga nalokong pilgrims ang nagbalita sa kanya tungkol sa kanilang sinapit nang hindi sila makasakay sa isang flight patungong Roma base sa ipinangako ng kanilang travel agency.

Muling nagbayad ang mga pilgrim ng kanilang ticket na nagkakahalaga ng mahigit P214,000 bawat isa para lang makadalo sa canonization ngayong Linggo.

Ang sinapit ng mga biktima ay agad na inireport sa kapulisan.

Nakahanda rin ang mga ito na habulin ang travel agency pagkatapos ng kanilang pagdalo sa aktibidad sa Roma.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply