500 gramo ng shabu nasamsam sa buybust

TUMATAGINTING na nasa P2.5 million halaga ng shabu ang nasamsam ng mga tauhan ng PNP-Anti-Illegal Drug Special Operation Task Group , na nagresulta sa pagkakadakip ng isang Chinese national sa inilatag na buy bust operation sa parking lot ng isang hotel sa Binondo,  kaninang hapon.

Kinilala ang nadakip na si Joey Sy,  nakumpiska sa kanya ang aabot sa 500 gramo ng shabu matapos ilatag ang isang buy bust operation sa nasabing lugar.

Ayon kay Sr. Insp. Harold Aglipay, team Leader ng PNP-AIDSOFT,  alas-3:00 ng hapon, nang magsagawa ng pagsalakay sa nasabing parking lot ng Peace Hotel sa panulukan ng Buenavidez at Soler St., sa Binondo.

Si Sy ay dinala sa Camp Crame para isailalim sa a imbestigasyon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply