5,000 deboto dadalo sa canonization ni Blessed Calungsod

MAHIGIT sa 5,000 Pilipino ang inaasahang dadalo sa canonization ni Blessed Pedro Calungsod sa Vatican sa Oktubre 21.

Ang canonization ay pangungunahan ito ng 200 mga pari, cardinals, obispo at arsobispo.

Nabatid na si Calungsod ang ikalawang Pinoy, at kauna-unahang taga-Cebu na magiging Santo sumunod kay San Lorenzo Ruiz ng Maynila.

Isang prusisyon din ang isasagawa sa Martes (Oktubre 16) ng mga taga-Cebu na magsisimula pasado alas-4:30 ng umaga sa Cebu Metropolitan Cathedral.

Kaugnay nito, magiging kinatawan ng Pangulong Benigno Aquino III si Vice President Jejomar Binay sa pagdalo nito sa canonization ni Blessed Pedro Calungsod sa Oktubre 21, 2012 sa Vatican City sa Roma.

Pangungunahan ni Binay ang Philippine contingent upang saksihan ang pagdedeklara ni Pope Benedict XVI sa ikalawang santo ng Pilipinas kasunod ng pag-canonize kay Saint Lorenzo Ruiz noong Oktubre 18, 1987.

Ayon sa pangalawang pangulo, isang malaking karangalan ang pagiging bahagi ng naturang makasaysayang okasyon.

Umaasa rin si Binay ang naging buhay ni Blessed Pedro Calungsod ay magsisilbing inspirasyon sa mga kabataan para mag-alay ng serbisyo sa kapwa.

Sinabi ni Binay, ang canonization ni Calungsod ay inaasahang magpatibay pa sa pananampalataya ng sambayanang Pilipinas sa Poong Maykapal.

Ang Oktubre 21 ay una nang ideniklara ng Pangulong Aquino bilang national day of celebration.

Ang Cebuanong binatilyo na si Calungsod ay isang katekista na kasama ni Blessed Diego Luis de San Vitores sa Tumhon village sa Guan, Marianas, na pinatay noong Abril 2, 1672.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply