590 ‘di lisensyadong baril, nasamsam ng NCRPO

CAMP BAGONG DIWA, Taguig – Sa pamamagitan ng pagpapatupad ng Police Integrated Patrol System (PIPS), daang bilang ng mga nasamsam na loosed firearms ang iniladlad ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief PCSupt. Leonardo Espina sa harap ng media sa katatapos na press conference alinsunod sa pagdiriwang ng 111th Police Service Anniversary na ginanap sa conference hall ng nasabing kampo noong Lunes ng umaga.

Sa kasagsagan ng paglaladlad ng may 590 assorted brand and caliber ng mga baril na nakumpiska ng mga distrito ng kapulisan sa National Capital Region, sinabi ni PCSupt. Espina na ang mga nakamamatay na armas ay nakuha mula sa mga suspected criminals na sangkot sa mga kaso ng robbery-holdup, pandarambong ng mga sasakyan, illegal na droga, at iba pang uri ng krimen na banta sa seguridad ng mga mamamayan at patuloy na sinusugpo ng mga kapulisan.

Binigyan diin ng heneral ng NCRPO na naging maganda ang resulta ng pagpapatupad ng saturation drive, checkpoints, pagpapatupad ng search warrants, pagpapatupad ng warrants of arrest, police responses, mobile and foot patrols at police operations of special laws sa NCR kung saan ang Quezon City Poilice District ay nakakumpiska ng 169 bilang ng mga loosed firearms.

Bukod sa QCPD na nanguna sa hanay sa pagpapatupad ng anti-crime operations, pumangalawa ang Manila Police District (MPD) na nakakumpiska ng 151, ikatlo ang Northern Police District (NPD) na nakakumpiska ng 112, ikaapat ang Southern police District (SPD) na nakakumpiska ng 108 at ikalima ang Eastern Police District (EPD) na nakakumpiska ng 50.

Sinabi pa ng heneral na hindi exempted ang mga “private army o bodyguards” ng mga politiko na mahuhuling magbibitbit ng baril ng walang kaukulang papeles.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply