6-anyos binoga ng 11-anyos, todas

PATAY ang isang 6-anyos makaraang aksidenteng mabaril ng kanyang 11-anyos na pinsan sa  Urbiztondo, Pangasinan.

Nabatid na pinaglalaruan ng suspek ang armas sa kanilang bakuran ngunit aksidenteng pumutok ito at nabaril ang biktima.

Hindi malaman ng suspek ang gagawin kaya’t itinapon na lamang umano niya ito at hindi na marekober ngayon ng pulisya.

Kasalukuyang inaalam ng awtoridad kung sino ang nagmamay-ari ng armas habang nasa kustodiya na rin ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ang suspek.

Dahil menor-de-edad ito, sabit ang magulang ng suspek at siyang dapat pananagutin.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply