6 FEU students na suspek sa pananaksak, pinasusuko na ng PNP

HINIMOK ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na sumuko na ang anim na estudyante ng Far Eastern University (FEU) na sangkot sa pananaksak sa isang IT Student mula University of Santo Tomas, sa Maynila.

Ang panawagan ay ipinaabot ng Manila Police District (MPD) sa mga suspek upang mabigyan na ng linaw ang kaso.

Hinihintay na lamang ng pulisya ang korte na hahawak sa naturang kaso na maglabas ng arrest warrant para maaresto ang mga suspek.

Pawang kinasuhan ng frustrated murder ang anim na estudyante ng FEU makaraang pagsasaksakin ng mga ito ang biktima na si Joanne Lourdes Reyes.

Oktubre 2, nang maganap ang insidente sa loob ng campus ng FEU sa Morayta Street, Sampaloc, Maynila matapos manood ng film showing si Reyes.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply