6 ‘hijackers’ utas sa engkuwentro sa Cavite

PATAY ang anim na hinihinalang hijacker sa magkahiwalay na engkuwentro sa Dasmariñas, Cavite, kaninang madaling araw.

Ayon sa ulat sa telebisyon, dalawa sa anim ay sinasabing miyembro ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

Ayon kay Cavite Police Provincial Director, Senior Supt. John Bulalacao, hinay-jack ng anim ang isang truck na kargado ng mga
produkto ng Magnolia tulad ng margarine.

Naganap ang unang engkwentro sa Barangay San Agustin dakong alas-dos ng madaling araw kung saan apat ang napatay kabilang ang isang pulis mula Manila Police District (MPD).

Natiyempuhan naman ng mga awtoridad ang dalawa pang kawatan sa Mahogany Street, Greenville Subdivision, Barangay Langkaan Dos.

Aminado naman si Bulalacao na ikinagulat nila na kapwa mga pulis ang nakaengkwentro ng kanyang mga tauhan.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply