6 miyembro ng PNP sa Metro Manila ipinatapon sa Mindanao

IPINATAPON sa Minadanao ang anim na miyembro ng Philippine National Police na naka-detail sa Metro Manila.

Batay sa reassignment order na nilagdaan ni Police Director Alan La Madrid Purisima, ang acting chief ng directorial staff kabilang sa mga tinanggal sa Criminal Investigation and Detection Group at inilipat sa Mindanao ay sina  SPO4 Arnel Sabacan Cruz, (PRO 9); SPO3 Roberto Fortin Chua (PRO12); SPO1 Larry Reyes Javier (PRO CARAGA); kasama ang dalawang taga NCRPO na sina PO3 Gerardo Libutan Villauz (PRO CARAGA) PO3 Jenecito Bacus Acenas (PRO9) at PO3 Marlon Santos Servillon na itinalaga na ngayon sa Police Regional Office 12 o PRO 12.

Ayon kay Purisima, na ang pag-reassignment ng personnel ng PNP ay bahagi ng programa ng PNP.

Nabatid din na ilang miyembro naman ng Manila Police ang posibleng isailalim sa reassignment gaya nina  P03 Boyet Blangco; SPO2 Nicanor Zablan; PO3 Cocoy Gadi; PO3 Malanghaya; SPO4 Pio San Pedro.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply