6 na incumbent party-lists, diniskuwalipika sa 2013 polls

ANIM na incumbent party-list groups, ang kabilang sa may 30 hanggang 35 limang party-list organization, na didiskuwalipikahin ng Commission on Elections (Comelec) sa 2013 party-list elections.

Ito ang inianunsiyo ni Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr. kanina bagamat tumangging pangalanan na ang mga ito.

Aniya, malalaman na lamang ang pangalan ng mga incumbent party-list groups kasabay nang pagsasapubliko nila ngayong araw ng Miyerkules kung alin-aling party-list groups ang kuwalipikado at pinayagan nitong makalahok sa halalan sa susunod na taon.

Ayon kay Brillantes, nagpasya silang idiskuwalipika ang naturang mga incumbent party-lists dahil ‘hindi kuwalipikado’ ang mga ito sa halalan.

Aniya pa, ni hindi nga dapat na nabigyan ng akreditasyon ang anim na incumbent party-lists matapos na mabigong makasunod sa requirement ng Korte Suprema para sa mga party-list groups.

“They don’t qualify. They should not have been accredited in the first place,” sagot ni Brillantes sa tanong kung bakit diniskuwalipika ang mga ito.

Nilinaw naman ng poll chief na papayagan nilang matapos ng mga kinatawan ng mga nasabing grupo sa Kamara ang kanilang termino sa susunod na taon.

Nabatid na ang pormal na resolusyon sa party-list groups ay umiikot na para malagdaan ng mga commissioner ng poll body.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply