6 OFWs arestado sa ‘botox racket’ sa UAE

ANIM ang overseas Filipino workers ang naaresto sa United Arab Emirates (UAE) makaraang mahulihan umano ng pagtutusok ng Botox injections sa halagang Dh4,000 (P45,460) sa kanilang mismong flat sa Al Muraqqabat.

Ayon sa news report ng Gulf News, natagpuan sa mga suspek ang may 147 nang magsagawa ng raid ang pulisya.

Ayon pa sa ulat, inihayag ng Anti-Economic Crime Department sa Dubai na ang lahat ng mga suspek ay pawang taga Pilipinas at walang permiso sa awtoridad ng UAE na magsagawa ng naturang procedure.

Nabatid pa na ang limang suspek ay nagtatrabaho sa isang  women’s beauty salon.

Nadakip ang mga suspek makaraang makatanggap ng tip na nagsasagawa sila ng naturang pagtusok ng botox.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply