610,000 loose firearms, kukumpiskahin ng PNP

BAGO pa dumating ang 2013 midtern elections, sinimulan na agad ng Philippine National Police (PNP) ang pagkumpiska sa mga loose firearms.

Sinabi ni Chief Inspector Nelson Bautista, Section Chief ng Inspection and Enforcement Section, Firearms and Explosive Office, sa mga reporters kaninang umaga na may tinatayang 610,000 firearms na linsensya ang napaso noon pang Agosto 2012.

Mayroon, aniyang, 1,592,000 kabuuang bilang ng  registered firearms. Kabilang dito ay ang “private individuals, juridical entities, at security personnel.”

“The moment the gun license expires, it can already be considered a loose firearm,” pahayag ni Bautista na ang basehan ay ang legal opinion ng Justice Department.

Gayunman, ang mga gun owners ay binibigyan ng grace period ng anim na buwan para i-renew ang kanilang gun licenses, pahayag ni Bautista.

Pero kapag ang may-ari ay nahuli na may pasong lisensya, ito ay maaring kasuhan ng illegal possession of firearms, dagdag pa nito.

Kapag ang lisensya naman ay hindi pa rin aniya nai-renew sa ibinigay na grace period, ito ay maaring kasahan ng  police operations tulad ng search warrant.

Gayunman, sinabi ni Bautista na ipinaaalam naman nila sa mga gun owners kapag napaso ang kanilang lisensya at hinihikayat nilang ipa-renew ito. Idinagdag pa ni Bautista na ang revoked gun licenses ay maari pa rin na maipa-renew pero may katapat na fines at penalties.

Nang tanungin naman kung may limitasyon ang pagkakaroon ng isang indibidwal ng baril, sinabi nito na walang limitasyon pero ikakasa nila sa background check ang indibidwal na may naka-rehistrong mahigit sa isang baril.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply