7 patay sa masaker sa Rizal

PATAY ang pito katao makaraang pagbabarilin ng di pa kilalang lalaki kaninang mdaling araw sa San Jose, Rodriguez, Rizal.

Kinilala ang mga biktima na sina Darmo Revira Jr., John Michael Gardose, Roberto Dalagtag, Judy Ann Severio-Espiritu, Joshua Velasco at mag-asawang Mr. Web at Alma Santos.

Batay sa ulat ni Rodriguez Rizal Chief Of Police Supt. Donato Baet, ang insidente ay naganap kaninang ala-1:30 ng madaling araw sa 124 Phase -1 Brgy. San Jose, Rodriguez, Rizal.

Nag-iinuman sa loob ng bahay ang mga biktima ng pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang mga suspek.

Ayon kay Supt Baet, onsehan sa drug ang kanila ngayong tinitignang anggulo sa pamamaslang sa mga biktima.

Nabatid na karamihan sa mga biktima ay nasa edad na 16-anyos hanggang 19-anyos.

Patuloy naman ang manhunt operation ng mga awtoridad para madakip ang
mga suspek.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply