76 na yunit ng Nova Bus sinuspinde ng LTFRB

SINUSPINDE ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang 76 na yunit ng Nova bus.

Ito ay bunsod ng dalawang magkasunod na aksidenteng kinasangkutan ng Nova Bus.

Unang sinampolan ng 30-day preventive suspension order ng LTFRB ang 10 unit nito na kasama sa prangkisa ng naaksidenteng bus kahapon sa East Avenue na ikinasugat ng 28 pasahero at driver nito.

Dahil sa panibagong aksidente kaninang madaling araw na kinasangkutan ng Nova bus pinatawan na ng suspensyon sa loob ng 30 araw ang buong fleet.

Dahil dito, inutusan na ng LTFRB ang Nova bus na isuko na ang plaka ng lahat ng bus nito sa loob lamang ng limang araw.

Samanlatala, sasailalim din sa dug testing at seminar ang mga driver nito habang sasalang sa road worthiness check ang mga bus.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply