83 naospital sa chikungunya sa Albay

MAY 83 katao na ang bumagsak sa ospital dahil naapektuhan ng Chikungunya, isang uri ng sakit na tulad ng dengue ay nakukuha rin sa kagat ng lamok sa Rapu-Rapu, Albay.

Dahil dito, inatasan na agad kaninang umaga ni Albay Governor Joey Salceda si Provincial Health Officer Director Dr. Luis Mendoza para tignan ang mga pasyente na nakitaan ng mga sintomas ng naturang sakit tulad ng on and off fever, rashes at pananakit ng muscle at katawan.

Tumugon naman agad si Mendoza at nagpadala ng isang medical team sa coastal town sa Rapu-Rapu, Albay para mabigyan ng lunas ang mga pasyenteng naapektuhan ng sakit.

Nabahala si Salceda dahil sa biglang paglobo ng bilang ng mga may sakit na hinihinalang Chikungunya bago magtapos ang buwan ng Setyembre.

Inilarawan naman ng World Health Organization (WHO) ang Chikungunya bilang isang viral disease. Maari itong makuha ng tao mula sa mga infected mosquitoes. Ang pangalan na  “Chikungunya” ay inihahalintulad sa  “stooped” appearance ngmga dumadanas ng pananakit ng kasu-kasuan, pahayag ng WHO.

Idinagdag pa ng WHO na ang sintomas ay lumalabas sa pagitan ng 4 hanggang 7 araw matapos na makagat ang pasyente ng infected mosquito.

Ang Chikungunya ay maaring mapagkamalan na dengue dahil magkahalintulad ang kanilang sintomas.

Nadiskubre ang naturang sakit noong 1953 sa Tanzania, Africa, at hanggang ngayon ay wala pang nadidiskubreng gamot para rito.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply