9 biktima ng white slavery nasagip sa Iloilo

NAILIGTAS ng awtoridad ang may siyam na kababaihan na biktima ng “white slavery” sa Barangay Tamu-an, Janiuay, Iloilo kagabi.

Kinumpirma ni Adela Talamor, municipal social welfare and development officer ng Cabatuan, Iloilo, na anim sa mga biktima ay mula sa “house for girls” sa kanilang bayan na may edad na 13 hanggang 16-anyos.

Nahuli ang mga naturang bagets na nag-iinuman sa isang bahay sa Brgy. Tamu-an, Janiuay kasama ang tatlong mga tomboy na mga menor de edad din at isang 20-anyos na lalaki na nakilalang si Carl Cunsumo, ng Brgy, Quipot, Janiuay.

Isinagawa ang rescue operation ng mga awtoridad ng Janiuay at Cabatuan makaraang makakuha ng impormasyong nakikipag-inuman ang mga dalaginding sa Brgy. Tamu-an kagabi.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply