9 mangingisda missing sa West Philippine Sea, ligtas – PCG

NA-STRANDED lamang at ligtas at nasa maayos na kondisyon umano ang siyam na mangingisda na  napaulat na nawawala sa bahagi ng Scarborough Shoal o West Philippine Sea mula pa noong Oktubre 1.

Ayon kay PCG spokesperson Lt/Cmdr. Armand Balilo, nakatangap sila ng impormasyon mula sa kaanak ng isang mangingisda na na-stranded lamang ang mga mangingisda sa Cabra Island, sa bahagi ng Mindoro.

Ang siyam na mangingisda na sina Ricky  Quidez, Mac-Mac Quidez, Melbert Quidez, Joven Cervantes, Glen Reyes, Gardo Docusin, Rogelio Elesterio Sr, Joseph Valdez  at Bibiano dela Pena III ay una nang napaulat na nawawala lulan ng fishing boat na F/B Jericho.

Bineberipika naman ngayon ng PCG ang impormasyon upang agad na mailigtas ang mga mangingisda.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply