9 na sasakyan inararo ng truck sa Maynila

SINUYOD ng isang dambuhalang truck ang siyam na sasakyan sa Maynila kagabi.

Sa pagsisiyasat ng Manila Traffic Bureau, binabagtas ng 14 wheeler truck ang Jones Bridge nang mawalan ito ng preno dakong alas-10:00 kagabi at araruhin ang iba pang sasakyan.

Nauna rito, paakyat na umano ang truck sa Jones Bridge nang magkaaberya at maatrasan nito ang nakasunod na sasakyan kabilang ang isang Avanza, isang Innova, isang Pajero, isang Toyota XE, dalawang taxi, dalawang jeep at isang FX.

Bahagyang nagdulot ng pagbibigat ng daloy ng trapiko sa bisinidad ang pangyayari dahil hindi agad naalis at nahatak ang truck dahil sa laki at bigat nito.

Ayon sa pulisya, hindi nakilala ang sakay ng truck dahil tumakas ang driver at pahinanate nito matapos ang insidente at iniwan ang truck sa lugar.

Sa ngayon, inaalam na ang may-ari ng truck at maging ang driver at pahinante nito upang masampahan ng kaukulang kaso.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply