A dream to follow …

ANG ating mga pangarap ang nagsisilbing gasolina upang pag-alabin ang ating pagnanasa na patuloy na magsumikap sa pagtakbo sa karera ng buhay.

Sa Estados Unidos ay nakilala ko ang isang Pinoy na minsang nangarap at hindi natakot na sundan at abutin ang mga ito – siya si Glen Basina.

Bata pa lang si Glen ay nais na niyang magkaroon ng magandang buhay. Kung kaya’t nang nagkaroon ng pagkakataon, kahit hindi madali ay nilisan niya ang Pilipinas upang magtungo sa Amerika at doon hanapin ang kanyang kapalaran. “Ang plano ko lang mga two months but then nu’ng nakarating ako rito, yun nga nag-iba yung desisyon pero mabigat para sa sarili ko,” kuwento niya.

Labis na pangungulila at culture shock ang naranasan ni Glen sa unang mga taon niya sa nasabing bansa.

“Ang pinakamahirap in the beginning is yung adjustment, parang meron akong culture shock,” dagdag na kuwento pa niya.

Hindi naging madali ang paghahanap ng trabaho para kay Glen sapagkat kahit na nakapagtapos siya ng kursong mechanical engineering dito sa Pilipinas ay security guard at pagkakarpintero ang naging trabaho niya, at malayong malayo sa kursong kanyang natapos.

Ayon sa kanya ay hindi siya nag-atubili na pasukin ang mga trabahong iyon sapagkat naniniwala siyang hindi siya magtatagal sa ganoong sitwasyon at makahahanap rin siya ng mas magandang trabaho. Makalipas ang ilang taon, isang real estate agent ang kanyang nakilala, na nag-alok sa kanya upang magpart-time bilang isang ahente ng real estate.

Hindi nagtagal ay naging isa siyang lisensyadong real estate agent na naging daan upang patuloy siyang magtagumpay sa larangang ito hanggang sa maitayo niya sa tulong ng isang kaibigan ang Realtor Relogic Inc., isang kompanyang nagbebenta ng lupa at properties sa buong Amerika.

Sa kasalukuyan ay siya ang tumatayong manager ng nasabing kompanya, at narito ang payo niya para sa mga kagaya niyang nagnanais sundan ang kanilang mga pangarap- “Success doesn’t come easy and its always uncomfortable, kaya kung meron kayong gustong marating sa buhay n’yo,  just keep on going because one of these days mangyayari din ‘yun. Hindi madaling mag-umpisa pero pag nalampasan mo naman ‘yun maraming magandang bagay ang mangyayayari.”

*******

Sa iba pang istorya ng buhay ng ating mga kababayan overseas, tumutok lamang sa Biyaheng Langit at Kasangga Mo Ang Langit sa IBC13 tuwing Huwebes, 11:30 ng gabi. Bisitahin ang Facebook fan page: BIYAHENG LANGIT/KASANGGA MO ANG LANGIT

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply