Abalos muling nagpasaklolo sa korte

MULING nagpoasaklolo si dating Commission on Elections (Comelec) Chairman Benjamin Abalos na pagbigyan siya ng korte na makapagbiyahe sa ibang bansa.

Ang pagmamakaawa ni Abalos ay matapos na ibasura ng Sandiganbayan ang kanyang apela dahil sa bigong maisama dito ang kanyang itinerary.

Ayon kay Abalos, importanteng makapunta siya sa Taiwan upang bumili ng bangus fingerlings para sa kanyang aquaculture business.

Marami ang umaasa sa kanyang negosyo at marami rin sa mga ito ang mawawalan ng pagkakakitaan sakaling tuluyang malugi ang kanyang negosyo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply