PAO lawyer sugatan sa pananambang sa Batangas

(UPDATED) SUGATAN sa pamamaril ang isang Public Attorney’s Office (PAO) lawyer matapos tambangan ng isang armadong lalaki sa Batangas City kaninang umaga.

Nagtamo ng dalawang daplis na tama ng bala sa bandang likod ng katawan ang biktimang si Arsenio Hernandez, Jr., PAO attorney na nakabase sa Batangay City.

Hiniling naman agad ni PAO chief Persida Acosta sa pulisya na madakip sa lalong madaling panahon ang nagtangka sa buhay ng kanyang tauhan.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas-7:30 ng umaga sa parking area ng Bulwagan ng Katarungan compound sa Batangas City.

Ayon kay Batangas City police head Superintendent Nicolas Torre III, kababa pa lamang ng biktima sa kanyang kotse nang biglang lapitan at pagbabarilin ng suspek.

Patuloy ang imbestigasyon at tinutugis na ang suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply