Abueva mabangis sa rebound

SINAMANTALA ni Calvin Abueva ang pagkakataong wala ang karibal na kapwa rookie na si Junmar Fajardo upang tulungan sa rebound ang Alaska Aces at lagukin ang 88-86 panalo kontra Petron Blaze Boosters sa PBA Philippine Cup eliminations sa Smart Araneta Coliseum kagabi.

Tumimbang ng double-double, (12 pts., 16 boards) si second pick rookie Abueva para ilista ang 2-2 win-loss slate ng Aces.

Hindi nakapaglaro ang top pick rookie ng Boosters na si Fajardo dahil may injury ito subalit nagawa pa rin nilang ilubog sa 12 puntos ang Alaska 65-53 sa third canto.

Papasok ng fourth period ay naibaba ng Aces ang hinahabol sa walong puntos.

Nagsimulang kumamada ang sina Dondon Hontiveros, Cyrus Baguio at ang tinaguriang “The Beast” ng San Sebastian College na si Abueva upang makuha ng Alaska ang abante 85-80 may 1:53 minuto na lang ang nalalabing oras.

Na-foul si Booster guard Alex Cabagnot ng tumira ito sa three-point area kaya nabigyan siya ng tatlong libreng tira kung saan ay lamang ang Alaska, 84-87 may 8.1 segundo na lang sa orasan.

Dalawa lang ang naisalpak ni Cabagnot kaya dali-dali nilang finoul si Hontiveros upang mapahinto ang oras at pumuwesto ito sa foul line..

Isa lang ang napasok ni Hontiveros at dahil wala ng timeout ang Petron ay binato na lamang nila ang bola paglampas ng half court.

Humarabas si Baguio ng 21 puntos, kasunod si Hontiveros na may inambag na 17 pts.

Sa second game ay nasilat ng Barako Bull Energy Cola ang crowd favorite Barangay Ginebra Gin Kings, 92-82.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply