Actor na apo ng namayapang veteran actor, papa rin ng bilyonaryong businessman

PANSININ n’yo ang dalawang hunk actors na ito na galing Kapuso network at lumipat sa poor third na TV station. Pareho silang in-demand sa kaliwa’t-kanang show na ipinagkaloob sa kanila ng billionaire gay businessman na 70’s pa lang ay certified millionaire na dahil sa mga negosyo.

Well, bakit ba sila binigyan ng bonggang career ng maimpluwensiyang gay personality? Kasi, parehong boy toy ‘diumano sila ng rich businessman.

Pero mas kabog namang hindi amak ni hunk actor A na ex ng pa-sweet na actress itong si hunk actor b na tsinito at apo ng matagal ng namayapang multi-awarded actor.

Kasi mas binubusog siya ng regalo ng kanilang mamang bayota. Maliban sa sariling townhouse na nakapangalan na sa kanya at luxury car, daang libo raw ang tinatanggap nitong monthly allowance sa kanyang pinapa-churvang very influential na gay lover.

Yes, nagpapasalamat pa nga raw ngayon si nasabing macho actor at naghiwalay sila ng mamang aktress na galing sa isang buena familia dahil kung hindi, baka hindi niya na-meet ang nag-aalaga sa kanya ngayong matabang isdang bading. Sosyal na si Papa gyud!

***

Joey Marquez susorpresahin ng kanyang mga anak sa SIR

BUKAS ng hapon ay isi-celebrate ng isa sa hosts ng Showbiz Inside Report na si Tsong Joey Marquez ang kanyang birthday sa nasabing trending Saturday entertainment talkshow kung saan hindi lang ang kanyang mga co-hosts na sina Ms. Janice de Belen, Carmina Villaruel at Ogie Diaz ang may inihandang sorpresa sa kanya. May surprise rin ang mga anak ni Tsong Joey sa kanya na close lahat sa comedian-host. Tatlong malalaking Kapamilya stars naman like Jericho Rosales ang ipi-feature ng SIR tungkol sa kani-kanilang mga life story. Very interesting ‘yan kaya’t pakatutukan silang lahat bukas, mula 2:30 pm hanggang 4:15 pm sa ABS-CBN 2.

***

ARAW-ARAW mula Lunes hanggang Sabado ay hindi talaga nawawalan ng sorpresang hatid ang number 1 and longest-running noontime variety show na Eat Bulaga. Sa kanilang public service segment pa lang na Juan for All, All for Juan, sangkatutak na papremyo na ang puwedeng mapanalunan ng residente sa isang barangay na mabubunot ni Bossing Vic Sotto ang pangalan.

May iba’t-ibang exciting prizes na may malaking halaga ng cash at passbook at ATM pa na handog ng Bossing Savings Bank. At kung nalulula na kayong lahat sa pagiging galante ng Eat Bulaga sa kanilang mga milyun-milyong Dabarkads, aba’y mas mawiwindang ang bawat isa dahil mamaya mas maaga ninyong mapanonood ang Bulaga at mas masaya, mas maraming sorpresa at mas lalong sasarap pa ang inyong tanghalian. At kung ano ito watch niyo na lang at tiyak magkakaroon kayo ng bonggang-bonggang happiness.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply