Actor Rez Cortez tatakbong kongresista sa CamSur

NAGHAIN na ng kanyang certificate of candidacy (CoC) ang mahusya na karakter aktor na si Rez Cortez para kumandidatong kongresista ng Camarines Sur.

Tatakbo si Cortez bilang kinatawan ng ika-5 distrito ng lalawigan sa ilalim ng United Nationalist Alliance (UNA) coalition.

Makalalaban ng aktor ang incumbent representative na si Salvio Fortuno.

Si Cortez na naging aktibo sa kampanya para sa kapwa artista na si Fernando Poe Jr. sa pagka-pangulo noong 2004, ang chairman ng FPJ for President Movement.

Bukod kay Rez, tatakbo rin sa pagkakongresista ang aktor na si Aga Mulach sa ika-4 na distrito naman ng Camarines Sur.

Sa mga oras na ito, hindi pa naghahain ng kanyang CoC si Muhlach.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply