Actress nilayasan ang negosyanteng BF kapalit ng batang politician na super kuring

KAYA nagkakaproblema ang actress na ito sa kanyang kamag-anak dahil sa kawalan nang pera. May negosyo nga siya pero hindi ito gaanong kumikita. Kagaya ng kanyang resto na minabuti nitong ipasara na lang kesa patuloy na malugi.

Hindi sila magkasundo ng isa sa kadugo niya dahil panay utang siya rito nang wala namang bayaran. Ang perang nakukuha niya rito ay ipinantatapal daw sa kalugihan ng kanyang business.

Sabi ng isang malapit na kaibigan ni actress, boba raw ito. May bofriend na Chinese businessman pero iniwan nito at ipinagpalit ang isang politician na wala namang career at super kuring pa.

Ginagamit lamang daw ang kapogian nito para makadenggoy ng artista. Giatay!

***

John Rendez inindyan ni Ate Guy

NASA baba ng Dulcinea ang kaibigan naming si Peter Ledesma nang dumating si John Rendez. Napansin niyang balisa at tila kabado ang rapper/actor habang may kausap sa kanyang cellphone. Nang dumaan sa harap ni Peter si John ay naulinigan niyang si Ate Guy ang kausap nito.

Sa itaas naman ng istablisimiyento ay ini-expect ng lahat na darating ang superstar sa presscon dahil siya ang tumatayong manager ni John na ngayon ay may ni-release na bagong album, ang Metal dog/There can Only Be One na komposiyon lahat ng una at nilapatan ng musika ni Jonathan Ong at mixdown nina Tony D at Robert Javier ng Sonic State Studio sa Mandaluyong city.

Nang dumating sa presscon proper si Jonh ay tanging siya lang ang humarap kasama si Chito Ilagan ng PolyEast (EMI) Records.Pero may paliwanag tungkol dito si John. Bagamat kabado raw siya sa pagharap sa media dahil wala sa tabi niya si Ate Guy ay tiniis niya ito dahil ayaw niyang maakusahang ginagamit niya ang huli para sa kanyang sariling kapakanan.

“It was considerate of her. But I’d like to do it on my own. Ayaw ko siyang gamitin. It’s enough that she’s helping me but I’d like people to know what kind of a person I am through my music. My album will prove na may utak din ako, may laman,” ayon sa nagbabalik na rapper singer.

***

Para sa inyong opinyon at reaksyon, magtext sa  09074582883/09351851227 o kaya’y mag-email sa
kuya_abepaul@yahoo.com at maari rin kaming mapakinggan sa Star na Star sa DWIZ 882 khz, 2-3 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply