Adamson U student sinaksak sa loob ng campus

HINDI pa man nareresolba ang kaso ng pananaksak ng FEU nursing student sa estudyante ng UST ay isa na namang insidente ng pananaksak ang naiulat na nangyari sa loob ng Adamson University.

Nagtamo ng saksak sa kamay ang biktima na si Kevin Roi Castro, IT student ng nasabing unibersidad at taga Tondo, Maynila na kasalukuyang ginagamot sa Medical Center Manila.

Nakatakas naman ang mga suspek na si Mark Raven Sallao, 18, schoolmate ng biktima at taga Tejeros, Makati City at isang nakilalang “Juris” na pawang miyembro ng Tau Gamma Phi fraternity.

Nabatid na miyembro naman ang biktima ng SRB fraternity na sinasabing kalaban ng grupo ng mga suspek.

Sa report ni Police Insp. Federico Mateo, Hepe ng Manila Police District (MPD)-Station 5 EAC Police Community Precinct (PCP) dakong 10:48 ng umaga nang naganap ang insidente sa loob ng ST Bldg., sa AdU compound, San Marcelino, Ermita, Maynila

Nabatid na natiyempuhan umano ng mga suspek ang biktima kaya nilapitan at walang sabi-sabing pinagsasaksak ito.

Nang nalaman ng mga security guard ang nasabing insidente ay isinugod ang biktima sa nasabing ospital habang nagsagawa naman ng follow up operations ang mga tauhan ni Mateo at nakipag-ugnayan kay Atty. Jan Nelin Navallasca para sa ikaaresto ng mga suspek subalit mabilis umanong nakatakas ang mga ito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply