Addictus na mister na si Paul Bong Alvarez hindi iniwanan

ANG aktres nga ba na si Vivian Velez ang naging rason kung bakit nasadlak sa masamang bisyo ng pagda-drugs ang ex-PBA player na si Paul Bong Alvarez na mister ni Almira Muhlach? Sabi ng mga tsismoso, hindi raw kasi matanggap noon ni Bong ang pakikipaghiwalay sa kanya ni Vivian kaya kahit na nagka-asawa’t anak na kay Almira ay naging magulo pa rin ang kanyang buhay.

As of presstime, may lumabas na balita sa isang panghapong tabloid na pumayag na raw si Bong na magpa-rehab at kusang loob raw ito ng dating sikat na basketeer.

Samantala, may intriga noon na dahil sa pagdo-droga ni Bong ay hiniwalayan na raw siya ng kanyang misis. Pero parati namang itinatanggi ng sister ni Aga Muhlach na hindi totoong separated na sila ng kanyang husband.

Aba’y kung totoo ‘yan kapuri-puri ang hindi pang-iiwan ng dating aktres sa ama ng kanyang mga anak lalo pa’t kailangan talaga nito ng may gagabay sa kanya. Sana nga maka-recover agad si Alvarez sa pangyayaring ito sa  kanyang buhay at magbago na nang tuluyan alang-alang sa kanilang mga anak. Well, we hope for the best na lang gyud!

***

Mga higanteng pelikulang handog ng Star Cinema para sa 2012

SA huling tatlong buwan ng 2012, ilang naglalakihang pelikula pa ang handog ng Star Cinema para sa Filipino movie goers worldwide – ang biggest comedy movie ng taon na This Guy’s In Love With You Mare, first Filipino-Thai film na Suddenly It’s Magic, Star Magic 20th anniversary movie na 24/7 in Love, at dalawang official entries sa 2012 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Ang comedy masterpiece ni Direk Wenn Deramas na This Guy’s In Love With You, Mare na pinagbibidahan nina Toni Gonzaga, Luis Manzano at Vice Ganda ay patuloy pa ring tumatabo sa takilya sa second week nito. Katatampukan naman nina Erich Gonzales at ng Thai superstar na si Mario Maurer ang kauna-unahang Filipino-Thai film ng Star Cinema na directed by Rory Quintos na Suddenly It’s Magic. Ipalalabas ang feel-good romantic-comedy movie na ito sa buong bansa sa October 31.

Ang star-studded romance anthology na 24/7 in Love ay pakikislapin ng ilan sa pinakamalalaking artista mula sa Star Magic sa pangunguna nina Piolo Pascual, John Lloyd Cruz, Bea Alonzo, Gerald Anderson, Kim Chiu, Maja Salvador, Sam Milby, Diether Ocampo, Angelica Panganiban, Zaijan Jaranilla, Xyriel Manabat, at Pokwang. Ito ay sa ilalim ng direksyon nina John D. Lazatin, Mae Czarina Cruz, Frasco Santos Mortiz, at Dado Lumibao.

Sa November nakatakdang mapanood ang 24/7 in Love, ang nasabing Star Magic 20th anniversary film. Ipalalabas naman kasabay ng iba pang MMFF movie entries sa December 25 ang dalawa pang higanteng pelikula mula sa Star Cinema na tiyak ikaliligaya ng buong sambayanan.

Para sa karagdagang impormasyon at pinakabagong updates tungkol sa This Guy’s In Love With You Mare, Suddenly It’s Magic, at 24/7 in Love, bisitahin lamang ang www.StarCinema.com.ph,http: //facebook.com/StarCinema at http://twitter.com/StarCinema.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply