Adik na anak ng ex-general, 4 beses pumuga sa rehab center

APAT na beses nang nakatakas ang anak ng retiradong heneral na inakusahan na pumatay sa isang security guard nitong nakaraang Sabado sa drug rehabilitation center sa Quezon City.

Sinabi ni Chief Inspector Rodel Marcelo, hepe ng Quezon City Police District’s Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), na ang pagtakas ni Jose Abaya nitong Sabado ng hapon ay pang-apat na.

Isinailalim na ang suspect sa inquest proceedings nitong Linggo sa kasong homicide. Pinayagan naman ng piskal ang suspect na magbayagng P40,000 bail para sa kanyang provisional liberty.

Si Abaya, na anak ni retired Philippine Constabulary general Antonio Abaya, ay naaresto nitong Sabado ng gabi sa pagpatay sa security guard na si Roger Biquit at pagkakasugat sa isa pang guwardiya na si Richard Reyes, sa bahay ng kanyang pamilya sa Greenmeadows Subdivision sa Libis, Quezon City.

Sinabi ni Inspector Elmer Monsalve, head of the QCPD-CIDU’s homicide investigation section, na hindi na nagsampa pa ng kaso si Reyes laban kay Abaya. Naganap ang insidente nang magpunta sina Biquit, Reyes at staff na si Alexander Cabalde sa bahay ni Abaya para ibalik ito sa Silvercrest Foundation.

Sinabi ni Monsalve na si Abaya ay pasyente na sa rehab center simula pa noong 1999. Ang pinakahuling pagpuga nito ay nitong Hulyo lamang.

Pagtatanggol naman ni Abaya sa sarili na inakala niya ang security officers na mga intruders. Sinabi naman ni Monsalve na inaalam pa nila kung sino ang may-ari ng .357 Magnum handgun na ginamit ng suspect.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply