AFP nakaalerto pa rin sa Mindanao

MANANATILING nakaalerto ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Mindanao sa kabila ng paglagda ng pamahalaan at Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa framework peace agreement.

Ito ang tiniyak ni AFP spokesman, Lt. Colonel Arnulfo Burgos Jr., makaraang nagbanta si MNLF Chairman Nur Misuari na muling sisiklab ang kaguluhan sa Mindanao kapag nilagdaan ang Bangsamoro Framework Agreement.

Ayon kay Burgos, tiwala ang AFP na magsisilbing susi sa inaasam pangmatagalang kapayapaan ang nasabing kasunduan para hindi na muling dumanak pa ng dugo doon.

Ayon kay Burgos, mayroong ilang grupo na tutol sa kasunduang magtatatag sa Bangsamoro political entity kapalit ng Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Patuloy din mangangalap ng impormasyon ang militar sa posibleng banta sa seguridad sa Mindanao.

Kahapon ay nilagdaan ng government peace panel at MILF ang framework agreement sa Malakanyang na dinaluhan ng may 200 miyembro ng grupo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply