Aga ‘di susuportahan ni Janice sa congressional bid?

UNTI-UNTI nang nagpupukulan ng baho ang magkakalabang kampo sa 2013 midterm elections. February next year pa ang pormal na kampanyahan ng mga kandidato pero ngayon pa lang ay marami na silang sinasabi, kung hindi man ang mismong kandidato- ang kanilang mga tagasuporta.

Isa sa isyung matagal na naming naririnig tungkol kaya Aga pero hindi ito gaanong nasulat ay itong tungkol sa diumano’y pagdadala niya ng baril kapag galit, sigaw nang sigaw. Sa loob lang naman daw ito ng bahay niya ginagawa. Siguro eh, gusto lang niyang magpagpag ng stress. Hindi namin kinukumpirmang totoo ito, ngunit kung sakaling totoo ito, normal ba ito sa isang tao?

Paano kung congressman na siya, may power na, hindi kaya gawin na niyang bisyo ang gawaing ito ito manutok na siya?

‘Yung kanyang sobrang pagiging belekoy ay hindi na pinagtatakhan ‘yun. Ugali na talaga niya ito at hindi na ito magbabago.

Masakit siguro sa loob niya ang mag-share ng blessings sa kanyang kapwa, okay lang ‘yun, hindi naman natin puwedeng pilitin siya.

May nasulat nga noon na nung minsang bumiyahe raw si Morning papuntang south at nang magbabayad na sa tollgate, wala raw maibigay na datung dahil hindi raw siya nagdadala ng cash. Mabuti na lamang at may kasama siya at ito na lamang ang sumagot sa toll fee. Ano kaya ang plano niya noon, TY na lang ang bayad? Makikidaan na lang. Hehehe!

Anyway, mabuti na lamang at may valid reason si Janice de Belen sa kanyang pag-beg-off na suportahan ang dati niyang karelasyon at ama ng anak niyang si Luigi Muhlach. “We (Iglesia Ni Cristo) are not allowed to campaign,” rason ni Janice.

Kung nagkataong hindi miyembro ng INC si Janice at hindi siya willing na sumuporta sa kanyang ex, baka ang isipin ng tao maging siya ay walang bilib sa aktor.

***

May Midas Touch kay janice ang SIR

SPEAKING of Janice de Belen, simula nang maging isa sa hosts (kasama sina Carmina Vilalaroel, Joey Marquez at Ogie Diaz) ng Showbiz Inside Report (SIR) sa ABS-CBN ay nagkasunod-sunod na ang mga proyektong ginagawa nito.

Kaliwa’t kanan ang mga pelikula niya. Nakasama siya sa blockbuster hit na “The Healing” ni Ate Vi, Pridyider, “Mga Mumunting Lihim” at “Tiktik: The Aswang Chronicles” at may ginagawa pa siya. Kabilaan din ang kinabibilangan niyang teleserye sa Kapamilya network. Nagsimula ito sa hit series na “Budoy” at ngayon ay “Ina, Kapatid, Anak”. Umaapaw din ang kanyang TV guestings and appearances.

Tila nagkaroon nga siya ng Midas Touch (Read: An ability to make and manage large amounts of money) dahil sa SIR. Dahil sa maganda ang talk show na ito na napanonood every Saturday from 3:00-4:00 p.m., rating, kaya nakatulong ito ng maganda para ma-enhance pa ang kanyang career.

***

Marissa del Mar sumasaludo sa OFW

ANG ipaabot ang tulong sa mga nangangailangan ay hindi bago kay Marissa del Mar. Noon pa man ay involved na siya sa mga charity work dahil bata pa lang siya ay miyembro na siya ng Legion of Mary. Naging charter president din siya ng Rotary Club of Makati-Nielsen, at member din siya ng National Real Estate Association kung saan tumutulong ito sa mga Aetas sa Porac, Pampanga.

Para naman sa OFW, kinikilala ni Marissa ang pagsisikap ng mga ito para ang Buhay OFW ay maging salamin ng kanilang tagumpay at ang pagbagsak. Kaya nananawagan siya sa Pinoy workers na ibahagi ang kanilang kuwento para maging inspirasyon ng iba. Sa pamamagitan ng Search of Mr. & Miss Citizen of the World, conceptualized by the Buhay OFW Foundation in cooperation with Millicent Productions, Inc. ay ilo-launch niya ito sa Oct. 15 and 16 sa Glorietta Activity Center. Hangarin nito na ma-promote ang Filipino culture at heritage bilang pundasyon ng world citizenship for others to emulate.

Ang sino mang interesadong sumali ay kailangan nasa 18 years old and above ito, aktibong OFW worker, nakapagsasalita ng Tagalog at English, at may good moral character. Mag-fill up lang ng application form sa millicentproductionsinc@yahoo.com at i-attach ang summary ng inyong kuwento. Ang coronation night will be held on March 22, 2013 sa Quezon City Memorial Circle.

Parati ding panoorin ang kanyang public service program na dedicated para sa OFWs titled Buhay OFW sa TV5’s

Aksyon TV 41.

***

Para sa inyong opinyon at reaksyon, magtext sa  09074582883/09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoo.com at maari rin kaming mapakinggan sa Star na Star sa DWIZ 882 khz, 2-3 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply