Aga Muhlach, sa Biyernes maghahain ng CoC

MATAPOS manumpa muli sa ilalim ng partido Liberal (LP)  sa harap ni Atty. Leni Robredo, kinumpirma ni Aga Muhlach na sa Biyernes na siya maghahain ng kanyang kandidatura.

Sinabi nito na pinili niya na sa huling araw o sa Oktubre 5 ang pagsasampa niya ng CoC sa Commission on Elections sa bayan ng Partido.

Makakalaban ni Muhlach ang anak ni kongresista Noli Fuentebella na si dating Rep. Wimpy Fuentebella sa pagkakongresista.

Sa isang panayam, handa naman tanggapin ng nakababatang Fuentebella ang hamon ng aktor sa darating na halalan.

Una rito, dakong alas-2:00 nitong Martes ng hapon nang humarap si Muhlach kasama ang ilan pang bagong miyembro ng Liberal Party upang manumpa sa bagong chairperson ng partido sa Camarines Sur na si Atty. Leni Robredo.

Ikinatuwa ng kampo ng aktor ang naging desisyon ng Comelec makaraang ibasura ang petisyon laban sa kanya na nagkukwestyon sa kanyang pagiging legal na botante sa bayan ng San Jose dito sa Camarines Sur.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply