Akala nag-brownout, kuntador ng kuryente ninakaw pala

INAKALA ng isang lalaki na nag-brown-out lang kung kaya nawalan ng ilaw sa loob ng kanilang bahay subalit nang tignan ang kuntador ay ninakaw na pala ng hindi pa kilalang suspek sa Caloocan City kagabi, Oktubre 25.

Sa pahayag ng biktimang si Leomar Asoro, 21, dakong alas-10 ng gabi nang mawalan ng ilaw sa loob ng kanilang bahay sa A. Mabini St., nang lungsod.

Sa pag-aakalng nag-brown-out ay hindi agad pinansin ng biktima subalit pagsilip sa mga kapitbahay ay may mga ilaw.

Paglabas ng biktima ay napansin na nawawala na ang kanilang kuntador na naging dahilan upang ipaalam sa mga pulis.

Inaalam na ng mga pulis kung sino ang kumuha ng kuntador ng biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply