Akbayan muling nanopla sa mga kritiko

PATULOY na iginigiit ng Akbayan Partylist sa Kamara na pangunahing adhikain ng partido ay ang pagsusulong sa interes at karapatan ng mga overseas Filipino workers (OFW).

Kasunod ito ng mga sunud-sunod na banat sa Akbayan na hinihiling din ng ilang sector na madiskuwalipika ng Commission on Elections dahil hindi naman umano ito nagrerepresenta sa marginalized sector kundi over-represented dahil maraming mga opisyal nito ang nakaupo ngayon sa gobyerno matapos hirangin ni Pangulong Benigno Aquino III.

Nauna nang nagsumite ng liham ang iba’t ibang grupo ng mga Migrante sa Comelec para suportahan ang representsyon ng Akbayan sa Kamara.

Nakasaad sa liham ng mga migrant group na pinangunahan ng Center for Migrant Advocacy at Kaisahan ng Migranteng Pilipino sa Gresya ang mga nagawa ng Akbayan para sa mga OFW.

Katunayan ay si Akbayan Partylist Rep. Walden Bello ang Chairman ngayon ng House Committee on Overseas Workers Affairs na siyang dumidinig sa mga kaso ng mga OFW gaya ng mga biktima ng pang-aabuso sa ibang bansa.

Sa ngayon ay tatlong Partylists na may nakaupong mga kinatawan sa Kamara ang opisyal na diniskuwalipika sa 2013 elections ng Comelec gaya ng AKO BICOL, 1-CARE, at KAKUSA.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply