Ako Bicol naghain na ng petisyon sa SC

MALAKI ang tiwala ni Ako Bicol Partylist Rep. Rodel Batocabe na pakikinggan ng Korte Suprema ang kanilang panig matapos magsumite ng petisyon.

Pormal na inihain ng AKO BIKOL ang urgent petition for certiorari and prohibition upang ipahinto ang naunang desisyon na pagdidiskuwalipika ng Comelec sa partido upang hindi na ito makalahok sa eleksyon ng 2013.

“This Petition seeks to declare null and void the COMELEC’s Resolution dated 10 October 2012 and its Resolution No. 9513 promulgated on 2 August 2012,” base sa inihaing petisyon.

Ipinaliwanag ni Batocabe na ligal ang kanilang petisyon batay na rin sa nakasaad sa Constitution and Partylist Law o R.A. 7941.

Ang petisyon ay inihain ngayong araw ng partido sa SC ng kanilang mga abogado na sina Atty. Alfredo Molo III at dating Supreme Court Justice Vicente V. Mendoza

Kabilang sa mga argumento ng AKo Bicol ay “COMELEC acted without and in excess of its jurisdiction; the COMELEC cancelled AKB’s accreditation as a party-list by embarking on an erroneous re-definition of “marginalized and under-represented, a power it does not have; the COMELEC violated Due Process; The Party-List System cannot evolve from the free will of the people if the COMELEC is allowed to impose its Arbitrary Application of the phrase “marginalized and under-represented.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply