Ako Bicol reps nasorpresa sa pagkakadiskuwalipika

IKINAGULAT ni Ako Bicol Partylist Rep. Rodel Batocabe ang pagkakalaglag ng kanilang partylist sa mga accredited list ng Commission on Elections (Comelec) na makakatakbo sa 2013 midterm polls.

Sa katunayan, hindi raw inasahan ng Ako Bicol Partylist na maaalis ito sa listahan ng Comelec dahil nanguna ito noong 2010 elections at ito lamang ang may tatlong nominees na nakaupo.

Bagama’t hindi pa natatanggap ang desisyon ng Comelec ay tumanggi muna si Batocabe na palawigin pa ang komento nito at sa halip ay hihintayin muna raw ang kopya ng nasabing resolusyon.

Bukod kay Batocabe, ang iba pang kinatawan ng Ako Bicol na nakapwesto ngayon sa Kamara ay sina Christopher Co at Alfred Garbin.

Isa sa mga nakitang dahilan kung bakit nanguna ang Ako Bicol sa nagdaang eleksyon ay dahil mismong ang beteranong actor na si Eddie Garcia ang nag-endorso dito.

Tinanggal ng Comelec ang Ako Bikol dahil wala raw itong kinakatawan na marginalized sector.

May ulat na lima pang incumbent partylists ang diumano’y posibleng matanggalan ng accreditation sa Comelec kabilang ang Ang Galing Pinoy at Kasangga Partylist.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply