Aktor hinahanap ng live-in partner, tinatago naman ng bading

KAWAWA naman ang live-in partner ng aktor. Panay ang hanap nito sa kanya. Pati ang kanyang nanay ay kinukulit. Tanong nang tanong kung nasaan siya. Nakukulitan na rin ang mga kamag-anak niya.

Wala naman silang maisagot dahil hindi nga rin nila alam ang whereabouts ng mestisong aktor.

Ayon sa isang source na nakaututang-dila namin, nasa isang condo na pag-aari ng isang bading daw ang balbasaradong aktor, sa bandang Quezon city nagtatago.

Buo na raw ang desisyon nito na huwag nang makipagbalikan sa girlitang naanakan para makabalik siya sa showbiz at matulungan ng baklitang maibalik ang kanyang dating magandang career.

Suportahan na lang daw ang anak, puwera ang nanay na masyado umanong selosa kaya hindi makagalaw noon ang aktor at tuluyang naudlot ang career.

Well, kung wala nang pagmamahal, wag ng ipilit ang sarili. Mag-move-on na ang girl na itetch para makakuha ng kadatungan ang kanyang papey na ibubuhay sa kanilang dyunakis. Tama? May tama ka!

***

Para matahimik, kalimutan na ang nakaraan

ISA pang dapat mag-on ay itong si Katrina Halili. Ngayon nadesisyunan na ng Court of Appeals para i-dismiss ang motion for reconsideration na isinampa ng Kapuso star na una nang ibinasura ng Pasig Regional Trial Court last year, dapat tumahimik na siya. In fact, nang mag-file sila ng reconsideration ay wala naman daw ibinigay na bagong ibidensiya ang kampo ng sexy star.
Napatunayan din ng korte na alam ni Katrina ang pagkuha ng video ni Hayden Kho sa kanilang kangkangan at nabigo silang patunayang ang ex ni Dra. Vicky Belo ang nag-upload nito sa internet.

Masakit man sa parte ni Katrina bilang isang babae, dapat na niyang kalimutan ito upang tuluyan na ring makalimutan ng lahat. Alagaan na lamang niyang mabuti ang anak niya kay Kris Lawrence.

***

Mga alaga ni Direk Maryo J. mananakot ng malalaking notes sa halloween

IMAGINE, ang malalaking ‘notes’ daw ng Masculados Dekada ang ipananakot ng mga ito sa kanilang show (Halloween Repeat) this coming Tuesday, October 30, sa The Library, Maria Orosa St., Manila.

Ano kaya ang nakatatakot dito, baka mapokpok sila o kaya matusok? Hahaha!

Anyway, bilib kami kay direk Maryo J. delos Reyes sa matyaga nitong paggabay sa kanyang mga talents at walang sawang pag-entertain at pakikisama sa press people para iparamdam sa lahat na kahit sikat siya at isa nang haligi ng industriya ay nananatili pa rin siyang nakaapak sa lupa.

Napaka-ordinaryong tao pa rin niya. Tawa lang nang tawa. At lahat ay iniintindi.

Kaya ‘yung respetong ibinibigay sa kanya ng industriya ay extended hanggang sa kanyang mga alaga especially sa Maskulados Dekada. Kahit kumakanta sila ng may kaseksihan ay iginagalang pa rin sila. ‘Yung talent nila ang pinapansin, secondary na lang ang ‘notes’. Hakhakhak!

***

Para sa inyong opinyon at reaksyon, magtext sa  09074582883/09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoo.com at maari rin kaming mapakinggan sa Star na Star sa DWIZ 882 khz, 2-3 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply