Alaskador na mister kritikal sa tarak ng binata

MALUBHA ang kondisyon ng isang mister matapos pagsasaksakin ng inasar na binata sa Barangay Catmon Malabon City.

Inoobserbahan sa Tondo Medical Center si Edner Suerte, 35, may asawa, driver at taga-Sitio 6 Catmon ng lungosd, dahil sa mga tinamong saksak ng screw driver sa iba’t ibang parte ng katawan.

Arestado naman ang suspek na nakilalang si Manuel Apili, 18, ng nasabi ring lugar.

Batay sa ulat, dakong alas-11:45 kagabi nang magaanap ang insidente sa nasabing lugar.

Nabatid, nagalit ang suspek dahil sa umano’y paulit-ulit na pang-aasar sa kanya ng biktima.

Nang mapuno na sa pang-aalaska ay pinagsasaksak ng suspek ang biktima gamit ang isang screw driver.

Matapos ang pananaksak ay mabilis na tumakas ang suspek habang isinugod naman ang biktima sa nabanggit na pagamutan.

Nadakip ang suspek sa ikinasang follow up operation ng mga awtoridad.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply