Alay ni Boss Wil at Bitag sa Marikina

KUNG nais ninyong matulungan ang Marikina, puwede pa kayong magdeposito ng kahit anong halaga sa SMART Pa-dala No. 5577-5193-1259-9104.

Laking tuwa ni Mayor Del R. De Guzman ng Marikina nang balitaan ni Jasmine Cojuangco-Buenaventura na nag-donate si Willie Revillame ng 3 Foton vans para sa Marikina City government.

Hindi lang yan, pati ang Villar Foundation ay may donation na isang sasakyan para sa Marikina.

Hindi pa po diyan natatapos ang biyaya na hatid ng Foundation nina Revillame at Ben Tulfo kasi dagdag pa riyan sa 4 na sasakyan, mag-aabot din sila ng tseke na nagkakahalaga ng P680,000 kay Mayor De Guzman at Vice Mayor Jose Fabian Cadiz itong darating na linggo sa gaga-naping “ALAY SA MARIKINA” concert for a cause, October 14, PICC Plenary Hall, Manila nina Richard Poon, Glock 9, at Alice Dixson.

Actually, noong una, P480,000 lang ang na-raise na halaga galing kina Sen. Manny Villar 200,000; SMART 100,000; Tonyboy Cojuangco 60,000; Bitag 40,000; Akbayan partylist 30,000; Sen. Bong Revilla 20,000; Mayor Del De Guzman 20,000; at Mayor Recom Echiverri 10,000.

Hindi nasiyahan si Boss Wil ng “Wil Time Big Time” at nang mag-meeting sila ng staff niya noong Miyerkules … dinagdagan pa niya ito ng P200,000!

Kaya hayan, P680,000 ang total na ido-donate nilang cash kay Mayor Del.

Baka gusto n’yo pang humabol ng donasyon ninyo?

Pakideposit na lang sa SMART Padala No. 5577-5193 1259-9104 at ilagay ang “Alay sa Marikina” bilang recipient.

Matagal na raw itong gi-nagawa ng foundation nina Revillame at Tulfo at sa iba’t ibang bayan sa probinsya.

Kaya pala nabibiyayaan pa ng higit-higit ang dalawang ito. Maraming, maraming salamat sa tulong ninyo.

Ganoon din sa lahat ng mga nag-donate tulad ni Sen. Villar, Smart Communications, Tonyboy Cojuangco, Bitag, Akbayan, Senador Bong Revilla  at Mayor Recom Echiverri.

Maraming salamat din kina Jasmine Buenaventura at Charm Sugbu na napakasipag at unrelenting.

Sabi ko nga sa kanila na napakasuwerte ng mga boss nila sa kanila.

Parang kambal itong dalawang ito sa trabaho. Parehong-pareho ang estilo at pagiging agresibo para sa ikabubuti ng ginagawa nilang charitable projects.

Sana gawin din nila ito para sa iba pang lugar na nangangailangan dito sa Metro Manila.

Para naman happy rin ang mga kasama kong PIO sa Association of Information Officers in Metro Manila (AIMM).

Tama ba … Lloyd, Ahna, Grace, Jayne, Jun, Rommel, Chat?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply