Albularyo tatakbong mayor sa Quezon City

ISANG albularyo ang isa sa makakalaban sa eleskyon ni incumbent Quezon City Mayor Herbert Bautista.

Ito’y matapos magsampa ng kanyang kandidatura sa Commission on Elections sa Quezon City kahapon ng hapon ang isang nagngangalang Romeo Avecedo.

Matapos mag-file ng kanyang kandidatura, namahagi si Avecedo ng mga sulat na nakasaad ang kanyang kakayahang magtaboy sa pamamagitan ng exorcism ng mga evil spirits.

Ibinida rin nito na kaya niyang ihinto ang lahat na klase ng krimen hindi lamang sa lungsod kundi sa buong bansa.

Nakalagay din sa kanyang CoC na siya ay isang negosyante na nagkakasa ng “five-six”.

Si Avecedo ang kauna-unahang kandidatong nagsampa ng CoC para sa QC mayoral post.

Inaasahan naman na ngayong araw (Oktubre 3) magsasampa si Incumbent QC Mayor Herbert Bautista ng kanyang kandidatura.

Habang isinusulat ang balitang ito, hindi pa rin nagsasampa ng kanilang kandidatura ang napabalitang magka-tandem na sina PBA legend at dating senador na si Bobby Jaworksi at si Congressman Bingbong Crisologo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply