Alliance for Rural Concerns umapela sa Comelec

NAGHAIN ng motion for reconsideration sa Commission on Elections (Comelec) ang isang diskuwalipikadong partylist group at humiling na ikonsidera ang kanilang akreditasyon para makalahok sa May 2013 party-list race.

Umapela ang grupong Alliance for Rural Concerns (ARC) sa Comelec upang hilingin na payagan silang kumandidato sa halalan sa susunod na taon.

Tinanggap naman ng Comelec ang MR ng grupo ngunit ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes, Jr., ay hindi na nila ito maaaring aksyunan.

Ayon kay Brillantes, en banc decision na ang naturang iniaapelang desisyon kaya’t sa Korte Suprema na dapat na ihain ang apela ng mga nadiskwalipikang partylist group.

Nauna rito, bago naghain ng apela ay nagsagawa muna ang grupo ng kilos-protesta sa harap ng punong tanggapan ng Comelec sa Intramuros, Maynila.

Ayon kay Roy Ribo, ng ARC, malaking insulto at kawalan ng katarungan ang pagtanggal ng Comelec sa kanila para makibahagi sa eleksyon sa susunod na taon.

Ipinaliwanag nito na lehitimo umano silang myembro ng mga magsasaka at mangingisda na kailangan ng representasyon sa kongreso.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply