Ambus sa opisyal ng Laguna police, iniuugnay sa droga

DROGA ang nasisilip na motibo kaya inambus si Laguna Police Inspector Romeo Criste nitong nakaraang Biyernes, ayon sa ulat kaninang umaga (Oktubre 22) ng isang opisyal ng pulisya.

Sinabi ni Sta. Cruz police chief Senior Insp. Meliton Salvadora na bago itinalaga si Criste para pamunuan ang police operations unit sa Cabuyao City, naging hepe ito ng Pangil PNP sa Laguna, at may hinawakan itong dalawang kaso ng droga.

Hindi naman nabanggit ni Salvadora kung sino-sinong indibidal ang sinampahan ng kaso ni Criste.

Dahil dito, inatasan na agad ni Senior Supt. Fausto Manzanilla, Laguna provincial police director si Salvadora na itatag ang Task Force Criste para imbestigahan ang pagpaslang dito.

Inambus si Criste, 53-anyos, ng mga armadong kalalakihan na sakay din sa isang kotse habang pinapatakbo ang kanyang kotse sa national highway sa Barangay Bubukal sa Sta. Cruz dakong alas 12:30 p.m. nitong nakaraang Biyernes ng hapon.

Nagtamo ito ng tamang bala ng M16 at kalibre 45 sa iba’t-ibang parte ng katawan at sa ulo na kanyang ikinamatay, pahayag pa ni Salvadora.

Sinabi naman ni Manzanilla, na humingi ito ng permiso sa kanyang superior sa Cabuyao City para umuwi sa Pakil town, sa Laguna, para dumalo sa isang family emergency.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply