Anak ng mayor tinodas habang tomotoma

TINUTUTUKAN ngayon ng mga tauhan ng Philippine National Police ang kaso ng pagpatay sa anak ng isang alkalde sa Iloilo na binaril habang umiinom sa loob ng isang KTV Bar, sa ulat ng pulisya.

Ayon sa report na nakarating sa Camp Crame, dead on arrival ang biktimang si Neptaly Salcedo III, anak ni Sara Mayor Neptali Salcedo.

Naganap ang pamamaril sa loob ng 11/69 KTV bar sa nasabing bayan.

Lumalabas na tiniyempuhan ng mga salarin ang biktima at binaril nang malapitan kung saan nagtamo ito ng walong tama ng bala mula sa 12 gauge shotgun.

Nagawa pang maitakbo ang biktima sa Sara District Hospital subalit idineklara siyang patay nang idating.

Inihayag naman ni P/Chief Insp. Willy Diel, hepe ng Sara Municipal Police Station na kasalukuyan na nilang tinutugis ang mga salarin.

Nabatid pa na hawak na ng pulisya ang isa sa mga suspek na kinilala sa alyas Andaya.

Nakatakas naman ang itinuturong triggerman na si Rocsien Bascugin at kapatid nito na si Richard Bascugin ng Brgy. Malapaya, Sara.

Inaalam na ang motibo sa pamamaslang.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply