Anak ni ex-CJ Corona sumipot sa tax case hearing; CJ humingi ng palugit

HUMARAP sa Department of Justice ang anak ni dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona na sina Carla at asawa nitong Constantino Castillo III upang sagutin ang kinakaharap na tax evasion case.

Kaugnay nito, nagsumite na rin kahapon ang dalawa ng kanilang counter affidavit sa panel of prosecutors.

Ayon naman sa kampo ng mga Corona, dumating din si dating CJ Corona pero nanatili ito sa kanilang van at hindi umakyat sa multi purpose ng DOJ kung saan ginagawa ang pagdinig.

Hindi naman nagsumite ng counter affidavit si Corona at sa halip ay hiniling na mabigyan ng hanggang November 5 para makapagsumite ng kontra salaysay.

Pinagbigyan naman ito ng DOJ panel pero hanggang October 25, lang ang ibinigay na taning.

Ayon kay State Prosecutor Rose Ann Balauag head ng DOJ panel, ito na ang huling beses na pagbibigyan nila si Corona.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply