Anakbayan at Akbayan, pinakalma ng Comelec

HINIMOK ng Commission on Elections (Comelec) ang Anakbayan at Akbayan partylists na maging kalmado matapos ang naganap na sagupaan ng dalawang grupo, kahapon.

Nagpang-abot ang mga naturang partylist group nang pagtalunan ng mga ito kung sino ang dapat bigyan ng accreditation ng poll body para sa 2013 midterm elections.

Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes, dapat irespeto ng Akbayan at Anakbayan ang bawat isa upang maiwasan ang karahasan.

Una nang umapela ang Anakbayan sa poll body na idiskwalipika  ang Akbayan at Black and White Movement sa susunod na halalan.

Ito’y dahil ilang miyembro ng Akbayan ay mayroon ng matataas na pwesto sa gobyerno at kaalyado pa ni Pangulong Noynoy Aquino.

Sinabi  ni Akbayan Rep. Walden Bello, naiinggit lang ang grupong Anakbayan at Kilusang Mayo Uno (KMU) dahil marami na ang natulungan ng kanilang grupo.

Nanindigan din si Bello na lehitimo silang partylist group na may track record ng pagtulong sa mga marginalized sector.

Matatandaang sa isinagawang press conference, ipinakita ng Anakbayan kung gaano na karami ang mga natulungan nilang marginalized sector.

Pero bigla na lang may nanggulo mula sa grupo ng Anakbayan at sinabing peke ang grupo ni Bello.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply