Ancar chief ng MPD sinibak sa puwesto ni Lim

DAHIL sa patuloy na pagtaas ng kaso ng carnapping sa lungsod ng Maynila ay sinibak sa puwesto ni Manila Mayor Alfredo Lim ang hepe ng Manila Police District-Anti Carnapping Unit (MPD-ANCAR.

Ang kautusan ng alkalde ay dahil na rin sa mga ulat sa mga pahayagan na nangunguna ang lungsod ng Maynila sa may pinakamaraming kaso ng nawawalang sasakyan.

Bukod dito, nais rin ng revamp ng alkalde.

“Magkakaroon tayo ng revamp because I am not satisfied with the performance of the police, meron d’yan mga mahuhusay naman, those are the “cream of the crop,” pero we have to do our revamp here”, ani  Lim.

Pinaalalahanan ni Lim ang iba pang mga station commander na pagbutihin ang kanilang mga trabaho sa pagsugpo sa carnapping sa lungsod.

Matatandaan na isang insidente ng carnapping ang naganap sa loob mismo ng compound ng MPD headquarters noong nakalipas na buwan. Ipinarada lamang ng isang negosyanteng lalaki ang kanyang motorsiklo sa MPD compound ngunit pagbalik nito sa parking area ay nawawala na ang kanyang sasakyan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply