Ang INC sa panahon ng IT

UNA maligayang kaarawan kay Bro. Eduardo Villanueva Manalo ngayong October 31.

Dahil nga birthday niya, marami ang muling nagtutuon ng pansin kay “Ka Ediboy.”

Parang kailan lang ay napakalaking balita ang pagkakaluklok sa kanya bilang pangatlong Ministro Ehekutibo ng kalakhang Iglesia ni Cristo (INC). Bilang tagasunod sa yapak ng namatay niyang ama na si “Ka Erdy”, ang pangalawang Ministro Ehekutibo na Eraño G. Manalo, noong una ay nag-abang talaga ang mga tao kung anong palakad ang ipapamalas ni Ka Ediboy matapos na humalili siya nang mamatay nga si Ka Erdy.

Si Ka Erdy naman ang anak at naging tagasunod ng namayapang founder ng INC na si Felix Manalo. Ang sabi ng mga kaibigan na INC members, ayon daw sa doktrina ng INC, ang tunay na founder ng INC ay si Hesukristo at si Ka Felix ang huling mensahero na ipinadala para muling itaguyod ang Kristyanismo, ayon sa orihinal nitong puri nang mamatay ang mga apostoles.

Napakatagal na ng kasaysayan ng INC at patuloy na lumalalim ang kanilang katatagan mula nang lehitimong itinatag ni Ka Felix ang INC bilang isang relihiyon noong 1914.

At ngayon nga ay 2012 na, at ngayong panahon ng internet at ng tinatawag na global community dahil sa makabagong teknolohiya, ngayong Oktubre ay birthday ni Ka Ediboy at napatunayan na ang uri ng kanyang pamamalakad sa iba namang uri ng panahon kung saan nagpamalas din naman ng makabago at angkop na liderato.

Ang mahalagang koneksyon dito ay dahil sa panahong ito, ang INC ay pinamumunuan ng isang tao na ‘di hamak na eksperto rin sa information technology.

Ito ay kahanga-hanga, dahil ang INC, sa kanilang pagtaguyod sa kapatiran ay sinisiguro na sila ay may mataas na antas ng pamamalakad at kayang sumabay sa mabilis na pag-angat at pag-unlad ng iba’t ibang uri ng kamalayan sa buong mundo.

Alam n’yo ba na noon pa man una ay aktibo na sa larangan ng komunikasyon si Ka Ediboy?

Marahil, sa kanyang pagmamatyag at pagmamasid ay nalaman niya na ang mundo ay patungo talaga sa isang panahon na angat ang makabagong teknolohiya ng komunikasyon.

Noon pa man na hindi pa sikat masyado o hindi pa kilala ang internet dito sa atin, nagtaguyod na ng isang local radio frequency si Ka Ediboy kaya siya ay itinuturing na
isa sa mga pioneer o mga unang namuno sa paggamit ng internet sa Pilipinas.

Kaya naman lahat ng napapanahong pag-angat ng IT-related systems and processes sa INC ay nasa ilalim ng masusing pag-gabay ni Ka Ediboy.

Ang galing.

Mabuhay. Happy Birthday po, Ka Ediboy!

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply