Ang text ni PNoy, et al.

SO nakabalik na si Pangulong Benigno Aquino III sa ating bansa na may balot pa rin ang kanang kamay na nanakit daw.

Hindi natin alam ang totoong dahilan at hindi naman ako interesado pang malaman. Ang matindi lang, yung kanyang mala-tren sa haba na pag-ubo sa publiko habang nagsasalita. Bahala na siya kung ititigil niya ang paninigarilyo o hindi. Basta may paalala riyan ang pinag-aawayan na Sin Tax Bill.

SA New Zealand ay umikot ang kanyang mga tauhan na inalalayan ng ating embassy officials para matunton ang iba’t ibang Filipino communities para mag-imbita na dumalo sa pakikiharap ni G. Aquino sa mga Filipinong manggagawa roon. Sa isang lugar na may sports festival ang mga Pinoy, tumanggi sila na dumalo dahil alam daw nila na mayroong kulay pulitika lang at kung magkatotoo, sisigaw silang lahat ng GMA, GMA, GMA na tu-mutugon kay dating Pangulong Gloria Mcapagal Arroyo. Ayaw nila ang pulitika!

NAGKATOTOO ang sapantaha ng mga tumanggi na OFWs. Sa pahayag ni Pangulong Aquino, may nag-text daw sa kanya ng, “bakit ang mga mayayaman sa ating bansa na sangkot sa katiwalian kung bumili ng sasakyan ay magagara, mabibilis, ngunit kapag nakasuhan ay dinaraan ang pagsakay sa wheelchair?”

NATURAL lang na tumawa ang mga nakikinig dahil pinangunahan ito ng 90 katao na kasama ni Noynoy sa eroplano. Sila yung nagtawanan at nagpapalakpakan kahit daw walang kuwenta ang mga kuwento niya. Pinahabulan ng Pangulo na isa mga text-joke lang daw yun na ipinadala sa kanya. Masaya!

MAGARA at mamahaling kotse? Wala yata yan sa pinatutungkulan niyang tao – si dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Congressman Gloria Macapagal Arroyo. Ang alam ko at halos lahat ng mga Filipino ay si G. Aquino ang may magara nang kotse ay bumili pa ng mas magara na PORSCHE 911. Tinatakasan niya tuwing Biyernes hanggang Linggo ang kanyang security at pinahaharurot niya ito ng todong bilis pauwi ng Hacienda Luisita sa Tarlac. Mismong taga Presidential Security Group (PSG) ang nagkukuwento ng kanyang pagtakas sa kanila mamaneho lang ang maluho, magara at todong bilis na kotse niya.

MASAMA  ang biro ng Pangulo na sa New Zealand pa mandin ginawa. Akala niya siguro hindi nakaintindi ng wika natin ang New Zealanders. Marami ang dismayado sa masakit niyang biro hindi lang mga Pilipino doon kundi mismong mga negosyanteng NZ. Tingin nila, Pangulo ito na naninira ng kapwa lalo na’t hindi lingid sa kanila ang kalagayan ng dating pangulo ng Pilipinas – si Gloria.

PUNA nga ng marami kay PNOY, hindi ba ito makapagsalita sa harap ng tao na hindi lalapstanganin si Gloria? Wala daw ba siyang alam na ibang administrasyon maliban kay Gloria?

ANG text joke ay hindi lang panghihiya kay GMA. Sapul dito ang lahat na dalubhasang doktor na tumingin kay Gng. Arroyo kasama na diyan ang mga taga Veterans Memorial Mecial Center (VMMC). Para nang sinabi ni Noynoy na kasabwat silang lahat sa tingin niya ay nagsasakitsakitan lang si Arroyo.

May nagtext din sa akin na nagsabing maganda ang buhay natin ngayon sa ilalim ng Aquino government, “ it’s more FUN in the PHILIPPINES dahil lumala ang kahiraFUN, holdaFUN, kidnaFUN, karnaFUN, FUNdurukot, FUNdaraya, FUNlilinlang, FUNdarambong, FUNrerape, FUNgugurakot at higit sa lahat ang president ay FUNot!”  Magada ha.

Nakakatuwa. Natanggap ko din na text yan. AT SANA ay hindi magalit ang Malacanang dahil sabi nga nina spokespeople Abigail Valte at Edwin Lacierda, “at the end of the day, the text – it is simply a JOKE!”

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply