Ang tindi nang laplapan!

KAHIT katiting hindi nagbago ang pagtingin ni Jake Vargas kay Bea Binene bilang kanyang leading lady kahit pa dumating sa buhay ng dalagita ang mga negative issue na palagay ng bagets ay hindi kapanipaniwala (Ows? talaga lang huh? behave! Hahahahahaha! – Ed).

Para kay Jake, laging andyan si Bea sa tabi niya na madalas nakikipag-usap sa kanya kapag nasa set sila ng kanilang soap opera, lalo’t lead actors sila sa Cielo de Angelina na kinukunan ngayon sa Talisay, Batangas.

Ani Jake: “Masyadong maalalahanin sa akin si Bea, kaya ganun ko siya name-miss kapag wala kaming taping. Di ako nakasama sa Luna Blanca, pero nang nalaman kong may Cielo de Angelina kami ay labis na nagpasaya sa akin ang project. Iba talaga si Bea kapag kasama sa set. Itinitreat niya ako na tunay na kaibigan.”

Kahit si Jake ay 18 na ngayon, hindi pa rin raw niya maligawan si Bea dahil ang ka-love team niya ay 14 (Talaga? strict ba ang parents niya? Ayaw ni Atty! Hahahahahaha! Etchos! – Ed) pa lang. Hindi pa puedeng ligawan. Isa pa’y magagalit ang mother ni Bea na si Mommy carina kapag niligawan ang kanyang anak (Ka-amuse naman! virginal beauty pala si Bea..charing! Hahahahahaha! – Ed).

Sa Cielo de Angelina, first na magaganap sa GMA 7 na magkakaroon ng morning soap. Ipalalabas to bago ang Eat Bulaga. Kaya uurong sa mas maaagang timeslot ang Kusina Master ng Chef Boy Logro. Pre-programming ng Cielo ang revival soap na One True Love, na due to insistent public demand ay muling ipalalabas tuwing umaga simula sa Oct 22, gayundin ang simula ng Cielo.

000

Sobrang haba ng halikan nina Dingdong Dantes at Lovi Poe sa Tiktik: The Aswang Chronicles!

NAGULAT kami sa sobrang haba ng kissing scenes nina Dingdong Dantes at Lovi Poe sa “Tiktik: The Aswang Chronicles” na kasalukuyan na ngayong ipinalalabas sa mga sinehan. Bukod sa isa itong full packed action-suspense horror adventure, matutuwa ang mga moviegoers dahil may touch of romance rin ang movie sa dahil role nina Dingdong at Lovi bilang mag-asawa na muling nagkita kaya ganon kainit ang kanilang halikan.

Mayroon kayang magselos sa eksenang halikang ‘yun na kahit isang beses lang nangyari ay mahaba naman (Tsalap, tsalap ba, Noel? Hahahaha! – Ed). Nakakakilig din kahit paano.

Ano kaya ang say dito ni Marian Rivera, ang syota ni Dingdong?

Bale ang kissing scene ay isa lang sa aspetong pagpapaganda ng pelikula. Mas humanga kami sa ipinakitang stunts ni Dingdong bilang pangunahing character sa movie bilang si Macoy. Sa role niya rito ay naging superhero siya na ang kalaban ay mga aswang.

Mula sa opening hanggang ending ay hindi mo aalisin ang paningin mo sa screen sa panonood mo ng Tiktik: The Aswang Chronicles dahil sa fast paced ang mga eksena at nakabibilib ang mga kakaibang scenery na ngayon lang mapapanood sa pelikulang gawa ng local productions na rati mo lang matutunghayan sa mga Hollywood action-fantasy movies.

Revelation rito si Dingdong na puwedeng-puwede pala sa role na astig. Ibang-iba sa soap opera na usual nyang naipo-portray na boy next door image. Makatotohanan ang mga stunts ni Dingdong. ‘Di siya gumamit ng double dahil kita mong siya ang lumilipad sa stunts na pumapatay sa mga aswang creatures na sumalakay sa kanila. Siya talaga ang gumawa ng mga palipad-lipad na stunts na madaling gawin ngayon dahil sa paggamit ng harness.

Kung itutuloy ni Dingdong ang mga ginawa niyang action stunts sa Tiktik, puwedeng sabihin na another action star in the making na siya.

000

Masculados Dekada: Ginawang weekends show sa Zirkoh Morato

SA rami ng dumating at pumilang manonood sa concert na Masculados Dekada last Monday night, ginawang Friday night nila ang gabi ng Zirkoh Morato.

Sabi ng guard ng Zirkoh Morato, ang sumipot na tao sa gabing iyon ay parang kasing dami ng weekends presentation ng Zirkoh na dinudumog talaga dahil kabukasan ay walang pasok sa school o opisina.

Dahil sa popularidad  ng Masculados dahil sa kanilang sunud-sunod na hit songs at bagong danceable singles na kasama sa kanilanbg fourth album ay maraming viewers ang naka-relate sa kanilang mga awitin. Nakita naming nanonood ay mga babae at mag-lovers. Siyempre di nawala rin ang mga fan ng Masculados 2 na mga bading na humahanga sa kanilang mga physique.

Sadyang pinaganda ni Direk Maryo J. delos Reyes ang kanilang mga production numbers na binubuo ng limang numbers.

Pinaka-hit sa audience nang maghubad na ala superhero ang anim na Masculados 2 na nakasuot lang ng boxer shorts. Hit rin ang mga pagsasama ng old ang new Masculados dahil dumating ang tatlong dating members na sina  Bok Brillante, Omar Prinsipe at Zoltan Amore. Bilang pakikisama, dumating ang idol ng Masculados na si Sonny Parsons na lead vocalist ng Hagibis, ang grupo na ito ang pinarisan ng Masculados na nagsimulang gumawa ng pangalana sa air waves at concert scenes noong pang 2002. Exactly 10 years anniversary ng grupo noong October 15.

Dahil sa success ng concert sa Zirkoh, dadalhin ang concert na Masculados Dekada ngayong Saturday sa Bulalo Fiesta sa may Robinsons Fairview. Malaking venue rin ito na tamang-tama sa mga mahiligin sa mga danceable songs ng Masculados 2.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply