Angara Cyber Law malupit

MALUPIT ang cyber law pero yan ang batas.

Malupit din kaya ang mag-amang Edgardo Javier Angara at anak niyang si Sonny?

Silang dalawa ang author ng cyber law sa House of Representatives at sa Senado.

Ang ama ay ang dating presidente ng Senado at presidente ng University of the Philippines at kandidato for governor ng Aurora (dating sakop ng Quezon).

Ang anak naman ay kasalukuyang congressman at kandidato naman sa pagka-senador.

Ang asawa naman ni Senador Angara na si Gloria Angara na dating school teacher at pangulo ng Cultural Center of the Philippines ay tatakbo rin daw sa pagka-congresswoman ng lone district of Aurora.

Malupit kaya ang tatlong ito? Pero si Senador Angara ay taga taguyod ng free speech, press freedom and academic freedom sa UP. Nagbago na kaya siya?

Si Mrs. Gloria Angara naman ay isang titser na ang adhikain ay turuan ang mga bata ng kagandahang asal at magandang halimbawa sa kabataan. Siya rin ang defender ng ating sining.

Silang tatlo ay haharap sa bayan sa darating na mid-term election upang hingin ang ating boto.

Iboboto ba natin ang tatlong Angara na ito?

Sabi ng iba, no way dahil ang mag-amang ito ang may akda ng cyber law na nagbabawal sa mga may computer na magsalita laban kaninoman, politician man o businessman o ordinary cititzen.

Iyan ay dahil sa cyber law, libelous na ang anomang salitang hindi angkop at makasisirang puri. Bawal nang pintasan si senador, si congressman, si mayor, si vice, si konsehal, si arsobispo, si pare, si barangay captain.

Pero sino ang magde-decide kung angkop o makasirang puri ang isang salita o kataga?

Sorry, sabi ni Justice Secretary Leila de Lima. Ayaw ko ng cyber law dahil sa provision nito on libel, pero iyan ang batas at kailangan daw niyang ipatupad ito.

Si De Lima ang dating chairwoman ng Commission on Human Rights, pero galit na galit ang mga internet users o citizens (neticenz) dahil anti-human rights ang provision nito tungkol sa libel.

Malupit ang batas, ang batas na mga lawmakers natin ang umakda, na pinirmahan naman
ni Pangulong PNoy Aquino.

Ako, ano ang masasabi ko sa cyber law? No talk lang ako, delikado. Mayroon pa kayang  freedom of speech? O privacy of communication? Safe pa kaya ang mag e-mail?

Mabuti pa, magkita-kita na lang tayo sa eleksiyon.  Sino ba ang iboboto ninyo?

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply