Angkas na bebot binaril, patay

MASUSING iniimbestigahan ngayon ng Mnaila Police District ang pagkamatay ng isang babae na umanoy binaril ng kaangkas na lalaki sa motorsiklo kaninang umaga sa Pandacan, Maynila.

Inilarawan ang biktima na may edad sa pagitan ng 30-35 anyos, may taas na 5 feet, nakasuot ng kulay green na t-short, itim na pantalon at isang sapatos na naiwan sa kanyang kanang paa.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na inilarawan na may edad sa pagitan ng 30-35 anyos, may taas na 5’6 hangang 5’7, nakasuot ng bull cap at itim na jacket, na tumakas matapos ang pamamaril.

Sa report ni SPO3 Rodelio Lingcong ng MPD-homicide section, dakong 4:45 ng madaling araw nang naganap ang insidente sa harapan ng isang bahay sa 1925 Kahilum St., Pandacan, Maynila.

Sa imbestigasyon ng pulisya, magkaangkas ang biktima at suspek sa isang motorsiklo at pagdating sa harapan ng nasabing bahay nang timigil sila at sa hindi nabatid na dahilan ay narinig silang nagtatalo.

Ilang sandali pa nang yakapin ng suspek ang biktima at barilin ito.

Lumalabas na may tama ng bala ang biktima sa kanyang leeg malapit na kanyang bunganga na tumagos sa kanyang ulo palabas sa kanang tenga.

Hindi naman makumpirma kung may relasyon ang dalawa.

Ang bangkay ng biktima ay kasalukuyang nakalagak sa St. Yva funeral homes para sa awtopsiya at safekeeping.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply