Anne Curtis naloka sa desisyon ng ABS-CBN management!

DISAPPOINTED raw si Anne Curtis no’ng sabihan siya ng ABS-CBN management na huwag isasama sa promo ng “A Secret Affair” ang pangalan ng kanyang leading man na si Derek Ramsay. Mahigpit ang bilin sa kapapanalo lamang na FAMAS best actress na kapag nagpo-promote siya ng ASA, lalo na sa Kapamilya station, i-edit raw ang pangalang Derek.

Nauunawaan naman ng kampo ni Derek at maging ni Anne na ang nasabing “galit” ng ABS sa hunk aktor ay ang desisyon ng huli na lumipat ng network. Ngayo’y contract artist na ng TV5 ang aktor at may gagawin itong Amazing Race at fantaseryeng Kidlat sa Kapatid.

Reaksiyon ni Anne, “In the beginning, I was frustrated with the thought that I couldn’t even mention the name of my leading man in It’s Showtime, sey ng aktres sa preskon ng A Secret Affair.

At least, sa ABS lang naman daw hindi puwedeng i-promote si Derek. Meron pa naman daw FB, Twitter at SNS para ma-generate ang publicity ng Viva Films na mapanonood na sa Oktubre 24 sa lahat ng sinehan.

—@@@—

NAKUHA rin namin ang reaksiyon ni Derek ukol rito at ganun rin ang sagot nito, “‘I’m a little bit upset,” maikli nitong tugon.

Gentleman as he is, Derek said na nirerespeto niya ang desisyon ng Kapamilya management dahil kung tutuusin, malaking sakit ng ulo rin ang dulot nang biglaan nitong pago-ober da bakod.

Hindi ba’t naka-apat na araw na siyang nagsu-syuting ng The Mistress no’ng lumipat siya sa TV5? Agad siyang nakatanggap ng memo na tatanggalin na siya sa The Mistress at ang aktor na si John Lloyd Cruz nga ang naging kapalit?

Ngayo’y masasabing Derek’s loss is Lloydie’s gain dahil ang The Mistress ang may hawak ng korona sa ngayon bilang pinakamalaking gross sa mga sinehan in almost a month of showing.

Ang tanong, malampasan kaya ng ASA ang kinita ng TM? Abangan ngayong October 24 kung mas magiging mainit ang pagtanggap ng madlang pipol sa triangle nina Derek, Anne at Andi Eigenmann.

Supporting the trio are veteran performers like Johnny Revilla, Joel Torre, Jaclyn Jose, Jackie Lou Blanco at mga baguhang sina Shy Carlos at ang comedian-host na si IC Mendoza.

—@@@—

Teleserye nina Kim at Maja, pasok sa Top 5 most watched TV programs sa Pinas 

TINUTUTUKAN ng buong sambayanan ang paglabas nina Kim Chiu at Maja Salvador sa pinakabagong Primetime Bida teleserye ng ABS-CBN na “Ina Kapatid Anak”.

Base sa datos ng Kantar Media noong Biyernes (Oktubre 12), kung saan tampok ang paglaki ng mga bidang karakter na sina Celyn (Kim) at Margaux (Maja), namayagpag bilang top 4 most-watched TV programs nationwide ito at taglay ang 27.4% national TV ratings, o halos 14 puntos na kalamangan kumpara sa nakuhang 13.5% ng katapat nitong kalulunsad ring programa sa GMA.

Ngayong malalaki na sina Celyn at Margaux, panahon na ba upang malaman ng bawat isa ang katotohanan tungkol sa nawawalang tunay na anak nina Beatrice (Janice de Belen) at Julio (Ariel Rivera)? Patuloy na tutukan ang kwento ng pakikipaglaban para sa karapatan gabi-gabi, pagkatapos ng Walang Hanggan sa ABS-CBN Primetime Bida.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply